xpresslink

Quoted post

maribel zorca domingo

#125 Re: tungkol sa maynilad

2011-06-17 05:13

#18: -  

 gusto po namin magtanong kong totoo po ba ang sinasabi ng maynilad na aprobado na ang paglilipat ng mga metro namin sa isang lugar.kasi po kami ay may metro ng tubig ng matagal ng nakalagay sa tabi ng aming mga bakuran subalit ngayon ay biglang may dumating na kontraktor at nagpahukay na dito sa amin upang ang lahat daw ng metro namin ay kunin sa amin at ilagay sa isang lugar.katwiran po nila ay para maiwasan ang iligal toping ng tubig subalit basta nalang sila pumasok sa lugar namin ng walang pahintulot ang bawat nagmamay-ari nito wala din sila abiso sa amin.para sa akin may karapatan akong magreklamo dahil di namin alam kong ano ang benipisyo nito kong sakaling mawala ang aming metro.at bakit pa ililipat ang mga metro namin gayon wala naman kaming problema sa maynilad.dapat hulihin nila yong mga iligal wag po kaming idamay kasi binayaran po namin ang pagpapakabit nito.karapatan po naming magtanong kasi noong kami ay kabitan nito gumastos kami at binayaran namin ang maynilad sana igalang naman ng Maynilad ang karapatan namin.kong sakali po na ilipat nila ang metro namin paano kong may problema kaming bigla sa tubo nanim para ayusin ang layo, pa para isara namin ang metro namin.sagot po ba nila ang metro namin kapag ito ay nasira at ninakaw kong kanilang ililipat?may karapatan po ba ako hindi pumayag n alisin ang metro ko ,nasa tabi naman po ng bakuran namin at sa harapan naman kami ng kalsada?kaya wala po silang problema madali nila itong makikita.may duda po ako na pabor lang ito sa mga nagrereading ng metro ayaw maghanap.

Replies


Guest

#615 Re: Re: tungkol sa maynilad

2011-10-02 08:57:47