CHILD ABUSE ON WILLING WILLIE SHOW OF TV5 (by Froilan Grate)

OFW-Kuwait
Guest

/ #185

2011-04-03 08:57

Sabihin na natin na parents niya ang nagturo ng sayaw, pero it is the social responsibility of the show na salain ang mga contestant kaya nga dumadaan sa audition or screening bago makapasok sa isang tv contest. Ayon sa balitang nasagap ko 3000 ang nag-audition at ang theme is TALENTED KIDS...ibig sabihin sa dami ng nag-audition na yun walang mas nakahigit sa Dancing talent ng bata? Ibig sabihin may malice na ang pagkakapasok ng bata sa contest kasi mas marami namn siguro ang mas magaling pa sa ipinakitang talent ng ibang bata. Kasi pag sinabing talent maski paano nandun yun excellence at maappreciate ng halos lahat ng manonood at audience. Sabihin na natin na hindi alam ng host ang ipakikitang sayaw ng bata, tama ba na ipaulit ito na syawin muli ng bata ng hindi lang isa kundi maraming beses para sa pansariling kasiyahan lamang. Napaka-insensitive namn ng host at lahat ng bumubuo ng programa sa pangyayaring ito. Ok na yun minsan pero ang ulitin ito with matching comment from the host dun lumabas na may paglabag na nakita ang ilang concerned citizen kaya kinuha ang atensyon ng NGO's at concerned parties.

Sinasabi ng ilan na ang daming problema ng bansa bakit ito ang pinagtutuunan ng pansin ng DSWD at CHR kasi po may tumawag ng kanilang pansin at tungkulin nila na resolbahin at pag-aralan ang mga idinudulog sa kanila at ito ay isa sa kanilang responsibilidad. mas pangit namn siguro kung ito ay baliwalain kaya dapat lamang na gumawa ng karampatang hakbang para dito upng magsilbing leksyon sa lahat ng show sa Tv o kahit sa anumang uri ng media.